IKAW ANG LIWANAG AT LIGAYA LYRICS

Lyrics Details: Ikaw Ang Liwanag at Ligaya Lyrics. Twenty Kapamilya singers have collaborated to perform the 2020 Christmas ID song. Lyrics were written by Robert Labayen and Love Rose De Leon.

Ikaw Ang Liwanag at Ligaya Lyrics

Sa isang iglap,
Mga ngiti’y natakpan
Mahigpit na yakap,
Kailangang pakawalan
Dumaan ang dilim,
Napuno ng bituin
Sa Iyong lilim,
Pag-ibig mas nagningning
Hinahanap ang kahapon,
Sa panibagong ngayon
Marami ang nagbago,
Ngunit ‘di ang pagmamahal Mo…
Ngayong Pasko,
Magdiriwang ang mundo
Sa pag-ibig Mo’y may himala,
May panibagong simula
Ngayong Pasko-oh,
Babalik ang saya
Dahil Ikaw ang liwanag at ligaya
Ikaw lang, Ikaw lang,
Ikaw ang liwanag at ligaya
Ikaw lang, Ikaw lang,
Ikaw ang liwanag at ligaya
Oooh, yeah
Kami ay may lakas,
Na harapin ang bukas
Ikaw ang gabay,
Sa bawat landas
Gawin kaming liwanag
Para sa isa’t isa…
Pag-asang sumisinag
Sa pamilya at sa kapwa
Ngayong Pasko-oh,
Magdiriwang ang mundo
Sa pag-ibig Mo’y may himala,
May panibagong simula
Ngayong Pasko-oh,
Babalik ang saya
Dahil Ikaw ang liwanag at ligaya
Ikaw lang, Ikaw lang,
Ikaw ang liwanag at ligaya
Ikaw lang, Ikaw lang,
Ikaw ang liwanag at ligaya
Sa mahabang gabi
Tumigil ang mundo…
Sa pag-asang dala Mo
Tuloy ang Pasko!
Liwanag, ligaya!
Light, Joy!
Claridad, Alegria! (Chavacano)
Kasanag, kasadya! (Hiligaynon)
Lamrag, Kalipay! (Waray)
Sahaya, Kakuyagan! (Tausug)
Kahayag, Kalipay! (Bisaya)
Raniag, Ragsak! (Ilocano)
Liwawa, Liket! (Pangasinense)
Sigay, Lilini! (Maguindanao)
Liwanag, kaogmahan! (Bicol)
Sulu at ing tula! (Kapampangan)
Kibou, Yorokobi! (Japanese)
Illumina, Gioia! (Italian)
YangGuang, XiYue! (Chinese)
Lumiere, Joie! (French)
Bit, Jeulgeoum! (Korean)
Adwaa’, Farah! (Arabic)
‘Or’, Osher! (Hebrew)
Luz, Alegria! (Spanish)
Liwanag at ligaya
Nagmumula sa ‘Yo
Ikakalat sa mundo
Ngayong Pasko-oh,
Magdiriwang ang mundo
Sa pag-ibig Mo’y may himala,
May panibagong simula
Ngayong Pasko-oh,
Babalik ang saya
Dahil Ikaw ang liwanag at ligaya
Ngayong Pasko-oh,
Magdiriwang ang mundo
Sa pag-ibig Mo’y may himala,
May panibagong simula
Ngayong Pasko-oh,
Babalik ang saya
Dahil Ikaw ang liwanag at ligaya
Ikaw lang, Ikaw lang,
Ikaw ang liwanag at ligaya
Ikaw lang, Ikaw lang,
Ikaw ang liwanag at ligaya
Ikaw lang, Ikaw lang,
Ikaw ang liwanag at ligaya
Ikaw lang, Ikaw lang,
Ikaw ang liwanag at ligaya

Music Video


End of Ikaw Ang Liwanag at Ligaya Lyrics. If you liked the lyrics, please share it.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *